Ardot Parojinog, pinatungan ni Duterte ng P5-M sa ulo

Nananatili pa ring at large ang kapatid ng nasawing si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. na si Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog.

Dahil dito, nag-alok na si Pangulong Rodrigo Duterte ng P5 milyong halaga ng pabuya sa makapagtuturo kung nasaan si Ardot.
Panoorin ang Video:

Para mapabilis, pinatutulong na rin ang presidente sa pagtugis sa konsehal na nagtatago
Hinimok pa ng pangulo ang kakampi ng wanted na Parojinog na ilaglag o ituro nito, kapalit ng pagkaabswelto sa kaniya.
Matatandaang bukod kay Reynaldo Sr., napatay rin sa raid ng mga pulis ng 14 na iba pa kabilang na ang kaniyang misis at si Misamis Occidental Board Member Octavio Parojinog Jr.
Sa ngayon naman ay nakakulong ang mga anak ni Reynaldo Sr. na sina Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Projinog Jr.
Ardot Parojinog, pinatungan ni Duterte ng P5-M sa ulo Ardot Parojinog, pinatungan ni Duterte ng P5-M sa ulo Reviewed by David Tan on 06:03 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.