Bongbong Marcos, tinawag ni Imee na 'Vice President'

Ipinakilala ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos bilang "vice president" ang kanyang kapatid na si Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa isang talumpati sa bayang ito, Linggo.

"Ang aking ading (nakababatang kapatid), ni apo Vice President Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. Huwag kayong mainip. Malapit na," sabi ng gobernadora.

Kinukuwestiyon ni Bongbong ang pagkatalo ng nasa 200,000 boto laban kay Bise President Leni Robredo sa nakaraang halalan.

Nitong Agosto, ibinasura ng Korte Suprema ang "first cause of motion" sa electoral protest ni Bongbong, na kumukuwestiyon sa authenticity ng eleksyon. Wala pang pasya ang korte sa 2 pang cause of motion ng protesta.

Inamin ni Gov. Marcos na natatagalan siya sa pag-usad ng electoral protest ng kapatid.
"E wala talaga, inip na inip na. Napakabagal e higit isang taon na, naghihintay pa rin ng hatol at pagbibilang," sabi niya.



Nananatili namang kumpiyansa si Bongbong na maipapanalo niya ang protesta.
"Pinaghahandaan natin 'yung recount at nagsisismula na tayong mag-organize ng mga tinatawag na revisor," sabi ng dating senador.

"Para sa akin, masyadong mabagal ang takbo pero dahan-dahan naman nagkakaprogreso. Siguro basta maumpisahan na ang pagbibilang ay sandali na lang."

Ipagdiriwang ng pamilya Marcos ang centennial birth anniversary ng kanilang padre de pamilya na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, Lunes.

Bago nito, nagtalumpati Linggo ng umaga ang magkapatid na Marcos para sa pagpapasinaya ng historical marker sa bantayog ng kanilang ama sa Batac, kung saan ito lumaki.



Halos 4 na dekada nang nakatayo sa Batac City Park ang monumento na kilala bilang "Daytoy Ti Bannawag." Inilipat ito kamakailan sa harap ng Marcos Mansion dahil sa pag-iiba ng disenyo ng parke.

Pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines ang pagsasapubliko ng historical marker sa monumento bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-100 kaarawan ng dating pangulo.

"Bagamat magkakaiba ang opinsyon ng publiko sa istilo ng pamumuno ni Pangulong Marcos, hindi maikakaila na malaki ang naging kontribusyon ng kanyang liderato upang manatiling matatag ang republika sa kabila ng krisis pulitika na noon ay bumabalot sa bansa," ni NHCP chairman Dr. Rene Escalante.

Dagdag naman ni Bongbong: "After 100 years, he [my father] has come back to his home town... right here in Batac, right here in his ancestral home by the river where he almost drowned.

"In behalf of the Marcos family, we are deeply honored, we are deeply touched."
Idineklara ng MalacaƱang ang Setyembre 11, Lunes bilang special non-working holiday sa Ilocos Norte para markahan ang kaarawan ng yumaong si Dating Pangulong Ferdinand Marocs.
Bongbong Marcos, tinawag ni Imee na 'Vice President' Bongbong Marcos, tinawag ni Imee na 'Vice President' Reviewed by David Tan on 19:09 Rating: 5

1 comment:

Powered by Blogger.