NAKAKAGULAT! Korte Suprema Ibinasura ang mosyon ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo!

MANILA, Philippines – Ibinasura na ng Korte Suprema ang mosyon ni dating Sen. Bongbong Marcos kaugnay sa integridad ng automated election system noong 2016 elections.
Ang Korte Suprema ang tumayong Presidential Electoral Tribunal (PET) sa electoral protest na isinampa ni Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Inilabas ng mga abogado ni Robredo na sina Romulo Macalintal at Maria Bernadette Sardillo ang kopya ng nasabing desisyon ng SC na may petsang Agosto 29.
“Even if protestant succeeds in proving his first cause of action, this will not mean that he has already won the position of Vice President as this can only be determined by a manual recount of all votes in all precincts,” ayon sa desisyon ng SC.
“And if this is a relief protestant has clearly stated he is not praying for, then, allowing the first cause of action to continue would be an exercise in futility and would have no practical effect,” dagdag pa dito.
Matatandaang inakusahan ni Marcos si Robredo ng pandaraya sa botohan noong nakaraang eleksiyon bilang pangalawang pangulo. Kinuwestiyon din niya ang kredibilidad ng buong eleksiyon.
Samantala, masaya naman ang kampo ni VP Robredo sa naging desisyon ng Korte Suprema. Patunay raw ito na ang lahat ng akusasyon ni Marcos ay walang basehan.
“We are very, very happy with the results of this resolution of the PET, because from this resolution of the tribunal, it only shows that indeed, the protest of Mr. Marcos has no basis. It is only based on some speculations and conclusions,” sabi ni Macalintal.
‘We look forward for an early dismissal of the case of Mr Marcos,” dagdag pa niya.
NAKAKAGULAT! Korte Suprema Ibinasura ang mosyon ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Leni Robredo! NAKAKAGULAT! Korte Suprema  Ibinasura ang mosyon ni dating Sen. Bongbong Marcos  laban kay Leni Robredo! Reviewed by David Tan on 10:50 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.