Mocha kay Trillanes nang magkaharap sa Senate hearing: 'Ang guwapo niyo pala sa personal'

Sandaling pinalamig nina Senador Antonio Trillanes IV at Communications Assistant Secretary Mocha Uson ang mainit na pagtalakay ng Senate public information committee sa usaping ng "fake news" nitong Miyerkules.
Nahuli sa pagdating ni Trillanes sa pagdinig na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, pero pabiro itong nagsabi na humabol siya dahilan nadinig niyang na-"miss" siya ni Uson.


"Actually wala na sana akong planong um-attend dito kaso na-miss daw ako ni Miss Mocha," anang mambabatas.
Tumugon naman si Uson at nagsabing, "Ang guwapo niyo pala senator sa personal."
"Hindi po fake news 'yun, sir," pahabol pa niya.
Sinagot naman muli ito ni Trillanes ng, "Konti na lang [bola] at baka i-atras ko na 'yung kaso. Konti na lang bola."
Ang tinutukoy ni Trillanes ay ang kasong isinampa niya laban kay Uson dahil sa pagkakalat umano ng pekeng balita tungkol sa sinasabing bank accounts niya sa ibang bansa.
Umani naman ng tawanan sa iba pang dumalo sa pagdinig ang sandaling "biruan" nina Trillanes at Uson.
Pagkatapos nito, bumalik sa seryoso ang sitwasyon at inusisa muli ng senador ang ilang social media post ng entertainer-turned-public official. 
Mocha kay Trillanes nang magkaharap sa Senate hearing: 'Ang guwapo niyo pala sa personal' Mocha kay Trillanes nang magkaharap sa Senate hearing: 'Ang guwapo niyo pala sa personal' Reviewed by David Tan on 09:46 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.