Mga Inabusong Empleyado ng ABS-CBN IJM Workers Union humingi ng tulong kay Duterte

"LIHAM PARA KAY TATAY DIGONG"

Mapagpalang Araw po mahal na Pangulo,

Kami po ay dating mga Technical Crew na binubuo ng mga sumusunod: C.C.U (Camera Control Unit), VTR Men, Cameramen, Audiomen, Lightmen at Drivers ng Broadcasting Network na ABS-CBN na pag-aari ni Mr. Eugenio “Geny” Lopez Jr, na sa ngayon po ay nasa pamamahala ni Mr. Eugenio Gabriel “Gabby” Lopez III, na humihingi nang katarungan sa kadahilanang kami ay tinanggal noong last quarter ng taong 2010, sa panahon nang bagong halal na Presidente ng Pilipinas na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Amin pong nilaban ang aming karapatan para maging Regular na Empleyado at makamit ang mga benipisyong nararapat ayon sa batas. Ang naging tugon po ng ABS-CBN ay kami ay pagtatanggalin.

Para po sa inyong kaalaman, noong taong 2002 ay nakapag-file po kami nang Regularization Case sa NLRC, hanggang sa kami po ay matanggal noong 2010, ito po ay umusad hanggang ngayon 2016. Karamihan po ng kaso ay nasa Court of Appeals at Supreme Court na.

Tatay Digong, batid po naming lahat ang pagsugpo niyo sa Contractualization sa lahat ng Kumpanya, ang epekto po nito sa mga Maralitang Manggagawa ngunit akalain niyo po ba na ultimong sa Broadcasting Network ay mas talamak ang “ENDO”, malayang pamamahayag para sa daw sa masa pero News Blackout pagdating sa Karapatan ng Manggagawa nila.

Mahal naming Pangulo, bilang naapi, hangad po naming matuldukan na at mabigyan hustisya ang aming sinapit sa tulong niyo.

Isa po ito sa batayan ng aming kaso ay ang panalo nang FULACHE VS. ABS-CBN, Case No: 183810 under Justice Brion.

Ang amin pong kaso na 14 Years na po ay ABS-CBN CORPORATION VS. JOURNALIE PAYONAN et al. Case No: 202495, 202497 2nd Division.

Lubos na gumagalang at nagpapasasalamat,


Source :Thinking Pinoy
Mga Inabusong Empleyado ng ABS-CBN IJM Workers Union humingi ng tulong kay Duterte Mga Inabusong Empleyado ng ABS-CBN IJM Workers Union humingi ng tulong kay Duterte Reviewed by David Tan on 20:19 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.