Breaking News: Aktwal na bentahan ng droga, nakunan ng video

Isang concerned citizen ang nakapag-video ng garapalang bentahan ng droga sa isang lugar sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.
Sa ulat sa 24 Oras ni Mark Zambrano, makikitang parang walang pakialam ang mga taong dumaraan sa eskinita kahit harapan ang palitan ng pera at droga.


Nang ipakita ng GMA News sa Mandaluyong City Police ang video, nakilala agad ang tulak na si Junnel Adriano na makikita sa video na nakasuot ng itim na jacket at puting sombrero.
Ayon kay Senior Superintendent Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong City Police, nahuli na ng pulis si Adriano dahil sa kasong robbery pero nakapagpiyansa.
Nagsagawa rin kaagad ang mga pulis ng operasyon sa lugar at naaresto ang umanoy mga runner ni Adriano na sina Jason Tabuquilo at Johndell Pontilla.
Arestado rin sa hiwalay na opersyon ang isa pang runner umano ni Adriano na si Lilibeth Peralta.
Hindi pa nahuhuli si Adriano.
Naniniwala naman ang Mandaluyong City Police na may protektor sa barangay si Adriano kaya garapalan ang pagtutulak nito sa lugar.
Malamang umano na isang barangay tanod ang naturang protektor, ayon kay Villaceran kaya nagsasagawa na sila ng mga imbestigasyon upang makilala ito.

Panoorin ang video:


Breaking News: Aktwal na bentahan ng droga, nakunan ng video Breaking News: Aktwal na bentahan ng droga, nakunan ng video Reviewed by David Tan on 08:23 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.