Isang Customer, Patay Matapos Saksakin ng Store Manager sa Loob Mismo ng SM North Annex

Patay ang isang lalaking customer matapos siyang saksakin ng store manager ng PC Home Service Center sa SM North Annex, Quezon City kaninang hapon.



Nakilala ang biktima bilang si Geroldo Romon Lopez. Ayon sa mga pulis, nagkainitan si Lopez at ang suspek na store manager na si Leo Laab dahil sa ipinaayos na laptop ng biktima. Hindi raw kasi nito dala ang claim stub para sa laptop. Umalis pa raw ang biktima ngunit bumalik sa service center para i-claim ang ipinaayos na laptop.




Dito na muling nagkaroon ng isa pang sagutan, kung saan biglang humugot ng patalim si Laab. Ito ang kanyang ginamit sa pananaksak kay Lopez. Dinala pa sa Sioson Hospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.
Samantala, hinahanap pa rin ang nakatakas na suspek.
Isang Customer, Patay Matapos Saksakin ng Store Manager sa Loob Mismo ng SM North Annex Isang Customer, Patay Matapos Saksakin ng Store Manager sa Loob Mismo ng SM North Annex Reviewed by David Tan on 21:22 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.